Thursday, October 30, 2008

IN MEMORY OF MY MOTHER

BORN: SEPTEMBER 25, 1961
DIED: OCTOBER 25, 2008

Eto na yata ang pinakamabigat na pagsubok sakin ng Panginoon.Sa edad kong to, hinaharap ko n ang isang napakalaking problema.Hindi ko alam kung papano ako magsisimula ngayon.Pero alm ko kailangan ko tong tanggapin.Alam ko may dahilan ang Diyos kung bakit nya to ginawa.Kailangan kong maging matatag.Kailangan kong tumayo para sa mga kapatid ko.Ako n lng naiwan para magalaga sa kanila.Ngayong malayo ang aking ama.Nakakalungkot man dahil sa mga musmos na isip nila humaharap na sila sa ganito.
Maraming umiiyak dahil sa pagkawala mo.Maraming nagulat dahil biglaan to.Maging ako.Nakakalungkot dahil wala ako sa tabi mo bago ka mawala.Hindi man lng tayo nakapagusap bago ka kinuha ng Diyos.Parang kailan lng dinadalaw pa kita sa bahay.Nayayakap. Alam ko kahit malayo hindi ka nagkulang sakin.Parang kailan lng nakikita kita kumakanta ng mga papuri sa Diyos.Parang kailan lng nanjan ka nagaalaga.Parang kailan lng nanjan ka nagpapayo.Parang kailan lng hindi ka nagsasawa na pagsabihan ako at ilapit sa Panginoon.Bakit kung kelan nakapagdesisyon n ako na maglilingkod sa Diyos saka naman nawala.Kahapon lng masaya ako unang turo sakin sa Piano.Balak ko pa namang puntahan ka at ikwento sayo.Dahil alam ko yon ang gusto mo sakin.Ang sumali sa Music Ministry.Kinaumagahan, pag gising ko, wala ka na.Hindi mo na ako makikitang tumugtog.Hindi mo n ako makikitang maglingkod.
Masakit dahil madami pa akong pangako sayo.Sabi ko, balang araw, yayaman din tayo.Hindi ka na mahihirapan, Magkakaroon na tayo ng sariling bahay.Sabi mo, ayaw mo pa kaming iwan. Dahil gusto mo mawala ka kapag malalaki n kami at may mga pamilya na.Hindi mo na yun naantay..Alam ko ng paghihirap mo simula pagkabata.Ang buhay nyo sa Bicol.At ang hirap mo ng mapang-asawa mo si papa.Naalala ko nun lagi ka umiiyak.SA hirap.ALam ko lagi ka noon nagdudusa.Nambabae si papa.Nalululon sa Bisyo.Sinasaktan ka niya.Nagkaroon sya ng anak sa ibang babae.Pero tiniis mo lahat para sa amin.ALam ko ang hirap mosa pakikisama mo sa pamilya ni papa.ALam ko ang hirap mo sa paglalaki sa amin.Napakamatiisin mo.Ayaw mo ng nagsasabi ng problema sa iba.Ayaw mo ng pinagaalala ang iabng tao.Kinikimkim mo lahat.Ipinapasa-Diyos mo n lng.Ipinagdarasal.Nagkasakit ka dahil sa hirap at sa problema.Masakit dahil hanggang sa nawala ka hindi k p din nakaramdam ng kasiyahan at kapayapaan sa loob mo.Dahil sa ginagwa sayo ng ibang mga tao.Sinasamantala ang kabaitan mo.
PAsnsya ka na minsan pinapagalitan na kita.Kasi naman sobrang martyr mo.Kahit na inaapi k n. Tinitiis mo lng.NApakamapagbigay mo pa.Kahit wala n tayong makain ibibigay mo pa sakanila.Napapabayaan mo n tuloy sarili mo dahil inuuna mo p ang iba.
ALam kong napatawad mo n ang mga nagkasala sayo.
Hindi ka nakalimot sa Diyos.Nakita ko ang lahat ng mga taong inakay mo sa Diyos.LAhat nagdadalamhati.Napamahal k na nga talaga sa mga tao.Lalo na sa mga pinatira o sa bahay at inalagaan ng parang tunay mong anak.
NAkakatuwa malaman ang lahat ng kabutihan mong ginawa.Ang ganda ng naging tribute sayo.Andami nagpatotoo.Lahat nalulungkot sa pagkawala mo.ANdami mong natulungan.Mga bata, matatanda.Hindi ko din ine-expect na mapapaiyak ko ang lahat sa testimonya ko.Proud akong na anak mo ako.
Tunay ngang napakabait mo.AT alam ko yun dahil anak mo ako.Ikaw ang nag alaga sakin mula pagkabata.Ngayon 18 n ko.Maaga man nawala.Kailangan ko maging masaya para sayo.ALam ko hindi ko kayang ibigay sayo ang natatamasa mong kasiyahan at kapayapaan ngayon.Alam kong kapiling mo na ang Diyos.Magkikita-kita din tayo jan balang araw.Hindi kita makakalimutan MA. MAHAL NA MAHAL KITA..:(

No comments: